Ni Marianne Joy Vital Simula na naman ng pangangampanya, at ang mga kandidato ay may kanya-kanyang paliwanag ng mga plataporma. Halimbawa, sa pinakabagong senatorial debate ng CNN Philippines (#TheFilipinoVotes) maraming kandidato ang nagpanukalang magkaroon ng iisang minimum wage para sa buong bansa, o national minimum wage. Tandaan na ang minimum wage ang pinakamaliit na sahod … Continue reading National minimum wage, OK nga ba?
Pagbaba sa minimum age of criminal responsibility, solusyon nga ba sa lumalalang krimen?
Ni Rainier Ric B. de la Cruz Kamakailan lamang ay mabilisang ipinasa sa ikalawang pagbasa sa Kongreso ang panukalang batas na magpapababa sa minimum age of criminal responsibility (MACR) mula sa kasalukuyang 15 taong gulang patungong 12. Mas mataas ito sa naunang ipinasa ng Committee on Justice na nagtatakda sa minimum age na 9 … Continue reading Pagbaba sa minimum age of criminal responsibility, solusyon nga ba sa lumalalang krimen?
Bakit talo tayo sa korupsiyon?
Ni Jefferson Arapoc Kamakailan lang ay pabirong binantaan ni Pangulong Duterte ang mga empleyado ng Commission on Audit (COA) dahil sa di umano'y pagpapahirap nito sa buhay ng mga local government officials. Pero sa totoo lang malaki ang papel na ginagampanan ng COA sa pagresolba ng lumalalang problema ng korupsiyon sa Pilipinas. Sinisiguro lamang nila … Continue reading Bakit talo tayo sa korupsiyon?
Bagong buwis sa langis, para saan nga ba?
Ni JC Punongbayan Bumungad sa atin ngayong New Year ang bagong buwis sa mga produktong petrolyo dahil sa TRAIN Law ni Pangulong Duterte (Tax Reform for Acceleration and Inclusion). Ang buwis ng unleaded gasoline, halimbawa, ay tataas mula P7 hanggang P9 kada litro. Samantalang P2.5 hanggang P5 kada litro naman ang itataas ng buwis para … Continue reading Bagong buwis sa langis, para saan nga ba?
Usapang Econ 2018 Yearender Specialđź“¶
Happy New Year mula sa Usapang Econ Blog! 🎉🎆 Sa kauna-unahan naming vlog, babalikan namin ang mga pinakamaiinit at pinakamalalaking balitang pang-ekonomiya ngayong 2018 tulad ng inflation, budget deficit, trapik, China, atbp. Sana magustuhan ninyo ang 6-part video series na ito! Issue Number 1: INFLATION Una naming babalikan ang mataas na inflation rate ngayong 2018 na … Continue reading Usapang Econ 2018 Yearender Specialđź“¶
Ano ang solusyon sa matinding traffic?
Ni Paul Feliciano Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, maraming lumalabas para magdiwang at magsaya. Hindi na natin maiiwasan ang paglala pa ng mabagal na daloy ng trapiko na kaakibat ng pagdagsa ng mga tao sa mga parties, reunions, at malls. Pero mayroon nga bang magagawa ang gobyerno ukol sa lagay ng trapiko, lalo na ngayong … Continue reading Ano ang solusyon sa matinding traffic?
Fuel tax hike: bakit at para saan?
Ni Marianne Joy Vital Noong isang araw pumutok ang balitang inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang fuel tax hike o pagpatong ng karagdagang buwis sa mga produktong petrolyo. Para sa unleaded premium gasoline, mula P7 kada litro magiging P9 na ang buwis sa January 1, 2019. Para naman sa diesel fuel, mula P2.50 magiging P4.50 … Continue reading Fuel tax hike: bakit at para saan?
Ugnayang Pilipinas at Japan: Gaano nga ba kalalim?
Ni Rainier Ric B. de la Cruz Nitong nakaraang dalawang linggo ay nagkaroon ako ng pagkakataong bumisita at makalibot sa Japan para dumalo at maglahad ng aking research sa ika-4 na Philippine Studies Conference in Japan (PSCJ) na ginanap sa Hiroshima University. Sa kumperensyang ito, hindi lang mga akademikong Filipino ang nakasalamuha ko. Mayroon din … Continue reading Ugnayang Pilipinas at Japan: Gaano nga ba kalalim?
Dahil sa oil price rollbacks, bababa na ba ang inflation?
Ni Jefferson Arapoc Tila isang bangungot para sa mga mamimili ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Nito lamang buwan ng Oktubre, nakapagtala tayo ng pinakamataas na inflation rate sa loob ng higit siyam na taon. (BASAHIN: Inflation noong Oktubre, good news nga ba?) Isa sa mga itinuturong dahilan nito ay ang pagtaas … Continue reading Dahil sa oil price rollbacks, bababa na ba ang inflation?
Paano sinusukat ang isang ekonomiya?
Ni JC PunongbayanNoong isang araw ibinalita ko ang pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. (BASAHIN: Bakit bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas?) Pero siguro mas magandang balikan muna natin: paano nga ba sinusukat ang isang ekonomiya? Gross domestic product Ang laki ng isang ekonomiya ay kalimitang sinusukat gamit ang gross domestic product o … Continue reading Paano sinusukat ang isang ekonomiya?
